Home

Advertisement

Customize
October 2006   01 02 03 04 05 06 07 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
hubad

Baguio's Cool

Posted on 2006.10.27 at 08:00
Current Location: SM Baguio
Nasa Baguio ako ngayon.

Ang galing. I like Baguio.

Nananatili akong beach person.

Tama siguro si Allan: sa Baguio, kailangan mong magtakip ng katawan. Sa beach kasi, hindi ganoon...

sto.nino

Limin

Posted on 2006.10.01 at 11:50
Last Tuesday, I told a few friends how I want my world to just stop for a while. So I can have time to pick up the pieces.

Tapos, dumating ang Bagyong Milenyo...

Nabuhay akong muli.











fight

Paghihintay kay Godo

Posted on 2006.09.27 at 09:34
Gaya nina Estragon at Vladimir:

Aabalahin ko ang sarili habang hinihintay ang pagdating ng hindi-alam-kung-sino-o-ano...


HINDI gaya ni Godo:

Darating Ako. Darating Ako.


- it is better to be walking slowly than to be standing still.
Chinese Proverb

dugo

Pagbabalik

Posted on 2006.09.23 at 13:39
It has been more than a month since my last entry. My fingers have to type faster to keep up with the thoughts rushing through my mind. Ganoon karami ang nais kong sabihin.

1) Matagumpay na nairaos ang Sagala ng mga Sikat at ang Buwan ng Wika at Kultura 2006! Pagbati sa mga klase kong sumali:
Filipino 11 W - Mumbaki
Filipino 11 JJJ - Zuma (10th Place)
Filipino 14 S - Pilipinas Circa 1907 (8th Place).
Ang galing ninyo! Lagi kayong magningning sa lahat ng gawain ninyo.

2) Maluwalhati kong natapos ang Comprehensive Exams ko para sa Masters. Kampante ako sa Part I; Naiyak ako sa Part II. (Salamat Mai, Reg, Mika sa pagsalo sa mga luha.) Gayunman, mahal ko pa rin ang pagguguro, na sana patuloy pa rin akong mahalin.

3) Maningning ang pagtatanghal ng Satirika! Sa kabila ng madilim na takbo ng produksyon, nanaig pa rin ang liwanag. Salamat sa mga taong nagsilbing tanglaw para hindi mangudngod sa lupa ang produksyong ito - kilala n'yo kung sino kayo. Nakagugulat ang pagtanggap ng Atenistang manonood. Matuklasan sana natin ang papel na dapat gampanan sa lipunang mas malaki pala sa paaralan natin.

4) Wagi na naman ang isa pang photo shoot with Dave Fabros. (Check out his website at davidfabros.com; you might want to get him as photographer for your events.) Dave, salamat sa pagtitiwala sa akin kaya binuksan mo ang opportunity na ito. Matumbasan ko sana ang tiwalang ito ng wastong kakayahan at panahon para malinang ko pa ang sarili.

5) Kumikislap ang pangako ng balita ni Herbie Go ng Tanghalang Pilipino. Mukhang mauulit ang pagtatanghal namin ng Tres Ataques de Corazon na isinulat ni Nicholas Pichay. Salamat sa pagtangkilik ng mga manonood noong Virgin Labfest sa CCP kaya nais nilang magpalabas uli kami. Magbukas pa sana ng pinto ng biyaya ang muling pagtatanghal na ito, lalo pa't natatangi ang manonood sa amin ngayon.

6) Malinamnam, oo - nalalasahan ko talaga, ang galak na dala ng back-to-back jamming ko with SPIT. (Una sa Ateneo para sa Blue Rep fundraising; pangalawa, sa Magnet Cafe sa Katipunan.) Nakatuklas ako ng kakaibang antas na maliliparan ng kalooban ko dahil sa pagpapalabas kasama ng SPIT. Sana maulit.
Salamat Gabe at Beepsie Mercado at sa lahat ng SPIT members sa pagkakataong ibinigay ninyo sa amin.

Salamat sa Sansinukob na laging nagpapadaloy ng mabubuting karanasan.

hubad

Bearing Our Truth

Posted on 2006.08.22 at 02:44
I told my core friends I bared my truest self whenever I was with them.

So we decided to seize those moments and freeze them in a frame.

We all then donned masks, played characters and created reality.

We are our truest selves when we are with friends.

[photos by david fabros]






fight

Boxing the Moon

Posted on 2006.08.17 at 07:49
I feel that's who I am waiting/looking for - someone who can box the moon...

One who will have the foolishness and the courage to give the big cheese in the evening sky a PUNCH, in the hopes that he'll hit it and make it come down - gently, meekly.

One who will have the creativity and wisdom to wrap the different faces of that secretive heavenly body in a PACKAGE, in the hopes that he'll be able to give it as a gift to another who will give him the sea.

waiting

Takot Lumimot

Posted on 2006.08.16 at 08:05
Bakit may kakayahan ang alaala na sabay papanatagin at bulabugin ang kalooban, gayong lumipas na ang bigat ng mga naganap sa realidad...

fight

Feeling Bitter / Feeling Better

Posted on 2006.08.13 at 03:16
Tags:
Puso ko’y lulutang-lutang
Sa gitna ng karagatan
Ang aking tinitimbulan
Titig ng mata mo lamang.
- Tulang Tagalog

My heart drifts remotely
Far, far beyond the sea;
My sole refuge, my lone buoy,
Your eyes that stare intently.
- Tagalog Poem (my translation)


When I passionately discussed this poem with my Filipino Literature class, some students jokingly gave a comment: "Si sir, bitter na naman..."

I was surprised that they found me bitter about love - AGAIN. Apparently, a few of my students felt that every time I mentioned or used examples on love in class, they sensed, even tasted this bitterness that they say I reeked of. To think I was (most of the time I'd like to think) hopeful and idealistic whenever I talked about getting hit by Cupid's arrow!

Probably, I am still bitter. Bitter about a love lost, a love where I played the bad guy. Bitter about not being able to to forgive myself, to accept that all's been said and done already between us, to realize the unbearable lightness of the existence - no, the memory -of our past relationship. Bitter that I have to cross this path of desperation and having to park my car even as the rain comes.

*SIGH* God, I am bitter...

And so, since I have chosen to stay under the rain, I might as well turn on the wipers so I may see if someone is out there to give me an umbrella. Actually, there are a few people out there giving me a signal with their headlights. Sila sa ngayon ang timbulan ko; ang titig nila - maski sulyap nga lang, ang sumasagip sa akin mula sa pagka-suffocate sa aircon ng kotse kong sarado.

So allow me to serve them individually my sweet gratitude, albeit laced with bitterness, for waiting for me to get past this road of desperation. At least, let me thank the following people who have helped me temper this bitterness during the past week.

Salamat sa pagiging timbulan

1) JETHRO Tenorio - sa pagpapaunlak mo sa paghalili sa akin sa mga meeting at klase kapag nahuhuli ako ng pagdating sa Ateneo
2) MORNY de Guzman - sa laging pag-aalala sa kalagayan ko at ng pusong nananangis pa rin, lalo na kapag sumasapit ang Agosto
3) KATSKI Flores - sa matapang at tuwirang paghahayag ng mga bagay na alam ko na pero itinatanggi kong alam ko na natatapos sa pagpapa-foot-reflex
4) KALIL Almonte - sa tahimik na pagbubukas ng sarili na nagsisilbing salamin ng aking kahinaan at pandayan ng katatagan
5) FIL 11 W Students - sa pagbibigay ng Yellow Cab Pizza bago ako magsimula ng klase, lalo pa't Lunes ng umaga
6) BEEPSIE & GABE Mercado at SPIT peeps - sa pagpapatuklas ng musmos at ng aktor sa amin gamit ang mga kakaibang laro
7) PAM Cruz - sa pagpapalalim ng pagkakaibigan namin sa tulong ng dibdiban at tapatang kuwentuhan sa Coffee Bean & Tea Leaf
8) NICK Pichay - sa pasalubong niya mula sa Boston at pagbanggit na isa ako sa mga paborito niya dahil sa pagganap ko sa monologue na isinulat niya
9) BIBAY ng Spittles - sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan niya sa pagiging guro ng mga Special Kids
10) NANAY LELI ko - sa pagtiyak na may makakain ako at may maisusuot tuwing umaga bago pumasok sa Ateneo

To all of you, thanks for being my buoy this past week. I live to look at the moon every night because you keep me afloat.




fight

Writing on the Eighth

Posted on 2006.08.08 at 23:08
Tags: , ,
Masuwerte raw ang numero otso.

Kapag sinulat kasi ito gamit ang isang tuluy-tuloy na kumpas ng lapis sa papel, pataas ang huli mong igkas. Kay inam nga namang maTAPOS nang nasa tugatog ka ng iyong pag-iral.

Pero siniSIMULAn ko ang live journal na ito sa ika-walong araw ng ika-walong buwan ng taong ito. Dalawang otso ang pananda ko sa bagong espasyong ito na unang beses kong gagalugarin: ang paggamit sa virtual space na ito bilang journal.

Suwerte kaya ang SIMULAng ito o nagbabadya ng nalalapit na kaTAPUSan ang gawaing ito?

Apparently, the oriental fortuity of the number 8 may not be applicable to me. I don't write the number 8 with one stroke, culminating the number's existence with an upward movement of the stylus on a sheet.

I bleed the number's existence on paper by drawing two circles, one on top of the other. One circle's ass kisses the other circle's lips. This kiss becomes the center of existence of my number 8.

Mukha naman palang fortuitous pa rin kung gayon ang 8...

Kisses are welcome as I begin this journal.

Mwah!

Advertisement

Customize